Friday, August 17, 2012

Square One

I thank Him for this trait na malakas makaramdam ng nangyayari sa paligid. Bago pa man dumating ang mga pangyayari, madalas ko itong pakikiramdaman muna. Kaya tuloy ako nababansagang, 'walang pakialam' sa office kasi di ako nagsasalita. 'Di lang nila alam na matagal na akong nagsasalita, naghihintay lang ng tamang oras at lugar.

At ganun nga ang nangyari. Kaya pala ayaw na ng utak ko ang mag-isip. Ni ayaw na niya gumana para gumuhit ng designs para sa kliyente. Matagal ko na itong napapansin, ayaw na niya. Kahit anong creative juices pa ang pigain ko, ayaw na niya sa lugar na ito.

Hanggang dumating ang general meeting. Ito na ang balita. We will be retrenched. I've seen it coming, pero parang namanhid na ang utak at katawan ko sa ganitong sitwasyon. They haven't seen me afraid or worried, they keep on asking me, what's your take? Isang ngiti lang ang sinasagot ko, o I would only say, "ganun eh".

Some people would notice parang wala talaga akong pakialam. What should I answer? For me, it's a cycle. Bahagi ng buhay 'yan. Nothing to worry about. Soon, everyone of us will be placed kung anu man ang plano Niya sa atin. We tend to worry and work about it, when we should give a space to Him to work on it. Let Him decide.

Yes, it's official. After more than 1 year and 7 months of serving this company, maybe it's really time to go.

Magkikita na naman kami uli ni LiNa.